I. Isulat ang masayang mukha kung ang pamamaraan ay sa finger printing, malungkot na mukha kung ito ay sa stencil making, at galit na mukha kung ito naman ay tungkol sa paggawa ng nilimbag na logo. 1. llagay ang stencil design sa ibabaw ng bond paper. 2. Ipahid ang mga patapong bagay sa esponghang may pintura. 3. Umisip ng mga disenyo na nagpapakita ng mga linya at hugis na nauulit gamit ang tatak ng mga daliri. 4. Maaaring gumamit ng patapon na bagay tulad ng bote, pang-ipit sa papel at buhok 5. Maingat na putulin ang disenyo gamit ang gunting. 6. Umisip ng disenyo na gagamitin na gagamitin para makagawa ng logo tungkol sa kamalayang pangkapaligiran. 7. Marahang tanggalin ang istensil sa bond paper. 8. Sumulat ng islogan tungkol sa ginawang disenyo ng logo. 9. Gumawa ng iba't-ibang disenyo gamit ang pagbabakat sa mga daliri . 10. Ipahid ang daliri sa espongha na may pintura at gumawa ng maraming tatak sa bond paper