Pandiwang Karanasan
Ito ay nagpapahayag ng karanasan. Maaaring ang pandiwa ay nagpapahyag ng damdamin o emosyon.
Mga Halimbawa ng Pangungusap na may Pandiwang Karanasan:
- Labis na naninibugho si Maria sa kagandahan ni Juana. (Inilalarawan ng pandiwang naninibugho ang damdamin ni Maria may kaugnayan sa kagandahan ni Juana.)
- Tumawa si Kulas sa mga paliwanag ni Juan. (Inilalarawan ng pandiwang tumawa ang reaksiyon o damdamin ni Kulas sa paliwanag ni Juan.)
- Lubhang namanglaw ang mukha ni Pedro sa mga balita niyang narinig. (Inilalarawan ng pandiwang namanglaw ang mukha ni Pedro sa narinig niyang balita.)
- Labis na nalungkot ang Kapitan sa pagkamatay ng kaniyang mga kawal. (Inlilalarawan ng pandiwang nalungkot ang nadama ng Kapitan para sa kaniyang mga kawal.)
- Ikinagalak ni Pepe ang pagkakita niya sa kaniyang nawawalang saranggola. (Inilalarawan ng pandiwang ikinagalak ang damdamin ni Pepe nang makita niya ang kaniyang saranggola.)
- Nagdurusa si Jose sa pagkamatay ng kaniyang kapatid sa nangyaring aksidente. Iilalarawan ng pandiwang nagdurusa ang damdamin ni Jose dahil sa pagkamatay ng kaniyang kapatid.)
Para sa karagdagang impormasyon, pakisuyong i-click ang mga link sa ibaba:
https://brainly.ph/question/57998
https://brainly.ph/question/136495
https://brainly.ph/question/129617
Sana ay makatulong sa iyo ang mga iniharap na impormasyon.