Ang alegorya ng yungib

Sagot :

     Ang sanaysay na Alegorya ng Yungib ay tungkol sa mga epekto ng kawalan ng edukasyon sa lipunan.  Ayon kay Plato ang mga tao'y tulad ng isang bilanggo na nasa loob ng kuweba, nakakadena, hindi makakilos at nakatanikala't nakaharap sa dingding ng kweba. May apoy sa kanilang likuran at ang tanging nakikita nila ay mga anino ng mga bagay sa labas ng kuweba. At dahil dito, kakailanganin nilang humulagpos sa tanikala at lumabas ng kuweba upang makita ang katotohanan tungkol sa mga bagay.