magbigay ng kahalagahan at saan matatagpuan ang mga sumusunod na lugar?
1 Caspian Sea
2 Lake Baikal
3 Fertile Crescent
4 Huang ho
5 Mt. Everest
6 Borneo rainforest
7 Banuae Rice terraces
8 Khayper pass


Sagot :

Ang Fertile Cresent ay matatagpuan sa Mesopotamia sa Gitnang-Silangan (Iraq na sa ngayon) , ito ay isang arko ng matatabang lupa na naging tagpuan ng iba't-ibang grupo ng tao mula sa Persian Gulf hanggang sa dalampasigan ng Mediterianean Sea. Ito ay mahalaga dahil sa lugar na ito matatagpuan ang ilog ng Tigris at Euprates kung saan umusbong ang kabihasnang Mesopotamia na kinilala bilang "cradle of civilization" dahil dito umusbong ang unang sibilisadong lipunan ng tao.

Ang Huang Ho naman ay mahalaga dahil dito rin ang naging tagpuan ng kabihasnang Shang . Ang ilog Huang Ho rin ay tinawag na Yellow River dahil pagkatapos ng pagbaha ng tubig nito ay nagiwan ng loess o dilaw na lupa na nagsisilbing pataba sa lupaing agrikultural na malapit dito. Ang taunang pagbaha sa ilog na ito na kumikitil ng maraming buhay ay pinaghandaan ng mga tao dito sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga halaman na kokontrol sa tubig pati na ang paglalagay ng mga dike. May mga pamayanang sumilang dito. Pagtatanim ang pangunahing gawain sa panahing ito. 
Kaya ang Huang ho ay matatagpuan sa Tsina.