Suriin ang mga sitwasyon at isulat ang dapat gawin kung ikaw ang nasa aktuwal na pangyayari.



SITWASYON 1: Sa Klase, natuklasan mong nawala ang iyong bagong aklat.Alam mong ang huling may hawak nito ay ang katabi mong si Reynald. Anong paraan ang iyong gagawin o sasabihin upang malaman mo kung nasa kanya ang iyong aklat?

SITWASYON 2: May napansin kang mali sa iniulat sa klase ng isang pangkat. Alam mo kung paano ito itatama. Anong paraan ang iyong gagawin o sasabihin upang maitama mo ang inulat ng pangkat.?

SITWASYON 3:Nakita mo ang iyong kapatid na isinuot ang iyong T-shirt ng walang paalam. Ano ang paraan ang iyong gagawin o sasabihin upang masabi mo ang iyong damdamin.?

SITWASYON 4: Mayroon kang nakaaway sa paaralan. Ipinatawag ng guro ang iyong mga magulang. Anong paraan ang iyong gagawin o sasabihin upang ipaalam ito sa iyong mga magulang.

SITWASYON 5: Pinapagalitan ka ng iyong nakakatandang kapatid dahil hindi mo isinauli ang sukli niya sa pinabili sa iyong cell card. Hindi niya alam na ibinigay mo ito sa iyong nanay. Anong paraan ang iyong gagawin o sasabihin upang malaman ito ng iyong kapatid?