Nakakatakot. Nakakasawa. Nakakainis. Nakakapagod. Ito ang pakahulugan ko kapag tinatanong nila ako tungkol sa pakahulugan ko sa pagsulat. Ito kasi ang mga naramdaman ko sa pagsulat na ginawa noong ako ay bata pa. Madalas napipilitan lang akong magsulat dahil kailangan. Kung hindi ako magsusulat ng lecture, wala akong maaaral sa oras ng pagsusulit. Kung hindi ako magsusulat, wala akong maipapasang awtput sa mga guro, paniguradong ipapatawag at magulang ko. Sigurado may bonus akong palo pag-uwi. At ang pinakamasakit baka umulit ako sa taon ng pag-aaral dahil siguradong babagsak ako. Sino ba naman ang ipapasa ng guro kung walang ipinapasang awtput o gawain ang estudyante? Nag-aaral ako dahil isa ito sa kasanayang hindi nawawala sa loob ng paaralan, wala yatang nag-aral na hindi nakaranasa na sumulat. Natatandaan ko pa, noong bago pa lamang ako tinuturuan ng aking tiyahing guro na magsulat, nanginginig ang mga kamay pero sabik kasi panibago itong karanasan. Pero nang lumaon, nakaramdam ako ng umay at pagkapagod. Hindi pala biro kapag madalas na itong ginagawa. Bagama't napapagod ay nakatutuwa naman sa pakiramdam kapag nasasabihan ka ng "Very Good!, Good Job!" at marami pang papuri sa tuwing naisusulat ko nang tama ang aralin. Kinaiinisan ko ang pagsulat pero noong ako ay nasa Baitang 6 ng aming klase, ako ang laging naatasang magsulat sa pisara ng mga lecture ni maam. Dito ko unti-unting nabuo ang aking pangarap na maging guro.Dito ko naunawaan na hindi pala nakakainis ang magsulat sa halip malaking pagbabago sa aking pagkatao ang ginawa nito. Kaugnay pa nito, habang lumalaki ay kinahiligan ko na ang pagsulat. Hindi kasi ako palasalita kaya nakita ko ang pagsulat bilang kakampi ko sa kalungkutan, pagkagalit, pagkainip, kaligayahan at tagumpay. Namalayan ko na lamang na di ko na ito ginagawa dahil kailngan, kundi ginagawa ko na ito dahil sa aking kagustuhan.------Akda ni BSA






1. Ano ang pagpapakahulugan sa pagsulat ng may akda sa unang bahagi ng teksto? Bakit?
2. Paano nagkaroon ng bahagi sa buhay ng may akda ang pagsulat?
3. Sa paanong paraan binago ng pagsulat ang pananaw at pagkatao ng may-akda?
4. Batay sa tekstong binasa, ano ang nabuo mong pakahulugan sa pagsulat?
5. Nakakatulong ba ang pagsulat sa pagbuo ng pagkatao? Ipaliwanag.