tula tungkol sa pag gamit ang anumang multimedia o teknolohiya​

Sagot :

Answer:

Panahong lumipas ang nagdalang-tao

Sa teknolohiya nitong bagong mundo,

Pangangailangan ang nag-anak dito

Upang mailuwal ang lahat ng uso.

II

Ang teknolohiya ng daigdig natin,

Ang siglang bumago sa mundong madilim

Gumaang ang bigat ng di kayang dalhin,

At isang pindot lang, tapos ang gawain.

III

At sa halos lahat ng mga larangan,

May teknolohiyang sasagip sa bayan,

Ngunit kaalinsabay nitong kaunlaran,

Iniluluwal din – sirang kalikasan!

IV

Saan ba nagbuhat itong gumigiba

Sa kapaligiran ng mundo at bansa

Itong kalikasang dating mapayapa

Sinong gumipiling, sinong nagpaluha?

V

Sa ngiti ng unlad ng bagong ginhawa,

Ay luhang dalisdis ng pinakaaba,

Abang kalikasan na kumakalinga

Sinirang mabilis ng teknolohiya.

Explanation:

sana po nakatulong po ito

Explanation:

i'm just practicing tagalog