Answer:
Importante na pangalagaan natin ang ating kalikasan. Hindi ito tulad ng anumang bagay sa mundo o materyal na bagay na madaling palitan. Kung hindi natin aalagaan ang kalikasan ay maaari itong maubos at mawala sa atin. Kung masisira nang tuluyan ang kalikasan at kapaligiran, siguradong malaki ang magiging epekto nito sa ating pamumuhay dahil nakatuon ang bawat tao sa mga yamang ibinibigay ng ating kapaligiran. Kaya naman bilang nakikinabang tayo lagi sa ating kapaligiran, responsibilidad natin na pangalagaan at pahalagahan ito upang maibalik sa kalikasan sa ating maliit na paraan ang maraming pakinabang na nakukuha natin dito.
#Carryonlearning