ano po ba ang ibig sabihin ng pangunahing diwa ???

Sagot :

Ang ibig sabihin ng ng pangunahing diwa ay ang talata na naglalahad ng pangunahing ideya ng paksa. Kung mayroon na pangunahing paksa kung saan umiikot ang mga talata. Mayroon rin naman na pangunahing diwa na nagsasalamin sa paksa. Ang pangunahing diwa ay maaaring nakapuwesto sa una, gitna o hulihan ng isang taludtod. Dito tayo magkakaroon ng ideya tungkol sa paksa.

Uri Ng Talata

Ang mga sumusunod ay ang mga uri ng talata:

  • Talatang nagsasalaysay
  • Talatang naglalarawan
  • Talatang naglalahad
  • Talatang nangangatuwiran

Mga Katangian Ng Mahusay Na Talata

Ang mga sumusunod ay ang mga katangian ng mahusay na talata:

  1. Kaisahan – Umiikot sa nag-iisang diwa
  2. Kaugnayan – Magkakaugnay ang mga talata at tuloy-tuloy ang daloy ng diwa
  3. Kaanyuan – Maaring iayon ang mg talata batay sa heograpiya, lugar, kahalagahan o kasukdulan.

Mahalaga ang magkaroon ng kabatiran sa paksa. Alamin ang iba pang opinyon:

Ano ang ibig sabihin ng pangunahing diwa:

https://brainly.ph/question/2781648

Halimbawa ng paksang diwa:

https://brainly.ph/question/273249

#LearnWithBrainly