Gawain sa Pagkatuto 3: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang T kung ito ay tama at M naman kung mali. 1. Bago ang panahon at pagtuklas at pananakop may ugnayan ng nagaganap sa mga Europeo at mga Asyano 2. Hindi man nagtagumpay ang krusada naging daan ito sa pag-unlad ng kalakalan 3. Nagpaligsahan ang mga makapangyarihang bansa sa pagpapalawak ng nasasakupan 4. Noong 1494 ay nagtalaga ng "line of demarcation" para sa Spain at Portugal 5. Si Marco Polo ay naglimbag ng aklat na "The Travels of Marco Polo". 6. Naniniwala ang mga kanluranin na ang kanilang mga nasakop ay pabigat sa kanila 7. Ang Cape of Good Hope ay matatagpuan sa dulo ng Aprika. 8. Bago ang panahon ng kolonyalismo mayroong limang pangunahing rutang pangkalakalan sa Asya. 9. Nasakop ng mga Turkong Ottoman ang mga mga rutang pangkalakan at tanging mga Pranses lamang ang pinayagan nilang makadaan. 10. Hindi nagtagumpay ang mga kanluranin na sakupin ang mga bansa Timog at Kanlurang Asya.