1. Ang paksa ng talumpati ni Dilma Rousseff sa kanyang inagurasyon ay ang pagpapabuti sa kalagayan ng mga Brazilians o pag-angat ng mga Brazilians sa kahirapan.
2. Ang layunin ni Dilma Rousseff sa kanyang talumpati ay bigyan ng katiyakan ang mga Brazilians na sa kanyang panunungkulan ay matatamasa ang kaginhawaan.
3. Ang pinupunto ni Dilma Rousseff sa kanyang talumpati ay ang kanyang termino ay hindi magiging katulad sa nagdaang termino ng nakaraang administrasyon kung saan sa kabila ng pagkilos sa kamalayang panlipunan ay nananatili parin sa kahihiyan ang bansa dahil hindi nawala ang kahirapan.
4. Sa sipi ng talumpati ni Dilma Rouseff sa kanyang inagurasyon ay mababasa ang napakaraming katunayan o ebidensya. ilan dito ay ang patunay na marami pa’ng pamilya ang walang pagkain sa hapag, mga pamilyang pakalat-kalat sa lansangan na wala ng pag-asa at may mga batang mahihirap na inaabandona.
5. Ang wakas na bahagi ay isang panghihimok sa mga Brazilians na makibahagi sa pagbabagong hinahangad ng administrasyon.