Ano ang pag kakaiba ng salawikain,sawikain at kasabihan

Sagot :

Pagkakaiba ng Sawikain sa kanilang Tatlo

  - karaniwang walang sukat at tugma di katulad sa Salawikain at Kasabihan
  - ginagamit para mas maganda ang pagpapahayag at para hindi makasakit ng ibang tao di katulad sa Salawikain at Kasabihan
   - karaniwang mga salita at parirala na mga idyomatiko, eupemestiko, o patayutay ang mga ito di katulad sa Salawikain at Kasabihan.
.

Pagkakaiba ng Salawikain at Kasabihan
     - mas malalim ang kahulugan ng Salawikain kaysa Kasabihan at Sawikain
     - hindi gumagamit ang Kasabihan ng talinghaga di katulad sa Salawikain at Sawikain
      - payak ang kahulugan ng Kasabihan di katulad sa Salawikain at Sawikain