Napakalawak ng Asya at sa katunayan, ito ang pinakamalawak na kontinente sa mundo. Dahil malawak ito, iba-iba o magkakalayo ang mga lokasyon nito.
Ang vegetation cover ay may direktang ugnayan sa klima. Ang klima sa iba't ibang bahagi ng mundo ay nagkakaiba-iba dahil sa lokasyon nito sa globo. Sa iba't ibang bahagi ng mundo, iba't ibang halaga ng sikat ng araw ang natatanggap ng bawat bahagi. Dahil dito, nagkakaiba-iba ang katangian ng mga salik sa bawat kapaligiran. Halimbawa ng mga salik na ito ay temperatura, dami ng ulan, halaman, hayop, weathering and erosion, at iba pa at ang mga ito ay may epekto sa vegetation cover.
#AnswerForTrees
#BrainlyBookSmart