Ano ang mga salita na ginagamit sa paghahambing

Sagot :

Ang paghahambing ay naghahambing o nagtutulad ng dalawang pangngalan o panghalip.

a. Pahambing na Pasahol Palamang - nagsasaad ng nakahihigit o nakalalamang na katangian ng isa sa dalawang pangngalan o panghalip na pinaghahambing. Gumagamit ito ng mga katagang higit, mas, lalong, di gaano, di gasinoat iba pa.

Halimbawa:

Mas malawak ang kanyang kaisipan kaysa sa akin.

b. Pahambing na Patulad - nagsasaad ng magkatulad o magkapantay na katangian ng dalawang pangngalan o panghalip na pinaghahambing. Gumagamit ito ng mga panlaping tulad ng sing/sin/sim, magsing, kasing o ng mga salitang kapwa, pareho.

Halimbawa:

Kapwa nakamamangha ang talentong ipinakita ng El Gamma Penumbra at Junior New System sa Asia's Got Talent.

--

:)