. Panuto Salungguhitan ang paksa o pokus ng pandiwa sa pangungusap at bilugan ang pandiwa. Pag-aralan ang ugnayan ng paksa at pandiwa. Isulat ang titik ng tamang sagot. A. Pokus sa Tagaganap o Aktor B. Pokus sa Layon C. Pokus sa Tagatanggap D. Pokus sa Ganapan o Lugar E. Pokus sa Direksiyon F. Pokus ng Gamit G. Pokus ng Sanhi 11. Sa gitna ng pandemyang COVID 19, patuloy ang ating mga frontliner sa pagharap at paglaban sa mga hamong dulot nito. 12. Ang ating mga bisita ay umalis agad dahil natakot silang mahawaan ng sakit na COVID-19 13. Nagbigay ng maraming relief goods ang Alkalde ng Bayan. 14. Ang mga lumang plastik ay ginagawa nilang mga basurahan para sa mga facemask na nagamit na ng mga doktor at nars 15. Gamit ng cellphone ay napadali ang pagbabalita ng mga impormasyon tungkol sa pandemyang nararanasan natin. 16. Mabilis na isinakay ng mga sundalo ang mga relief goods para sa mga taong lubhang naapektuhan ng pandemya. 17. Sa ospital nila dinadala ang maraming alkohol at hand sanitizer 18. Gamit ang lumang kamiseta, pinunasan niya ang mga higaan sa ospital 19. Namigay ng maraming pagkain at gamot sa mga biktima ng coronavirus si Mayor Sanchez 20. Dahil sa pandemyang COVID-19, maraming manggagawa ang nabahala dahil sa pagkawala ng trabaho