Ang Laos ay isang solong partidong sosyalistang republika. Ang nag-iisang legal na partidong pampolitika ay ang Partidong Rebolusyunaryo ng mga Mamamayang Lao (LPRP). Ang pinuno ng estado ay si Pangulong Choummaly Sayasone, na siya ring kalihim-panglahat (pinuno) ng LPRP. Ang pinuno ng pamahalaan ay si Punong ministro Bouasone Bouphavanh. Ang mga alituntunin ng mga pamahalaan ay ginagawa ng partido sa pamamagitan ng makapangyarihang siyam na kasapi ng Politburo at ang 49 kasapi ng Kumiteng Sentral. Ang mga mahahalagang desisyon ng pamahalaan ay sinusuri ng Konseho ng mga Ministro.Ang kauna-unahan, at nasa wikang pranses na konstitusyong pangmonarkiya ay inihayag noong 11 Mayo 1947 at naghayag ito bilang isang malayang estado sa loob ng Unyong Pranses. Ang binagong saligang batas ng 11 Mayo 1957 ang nagtanggal sa pagiging bahagi ng Unyong Pranses, subalit ang edukasyunal, pangkalusugan at mga teknikal na pakikiisa sa dating kapangyarihang kolonyal ay patuloy pa rin. Ang dokumento ng 1957 ay ibinasura noong 3 Disyembre 1975, nang ihayag Republikang Komunista ng Mamamayan. Isang bagong saligang batas ang ginamit noong 1991 at nagpanatili sa pamumuno ng LPRP. Sa sumunod na taon, isang halalan ang ginanap para sa bagong 85 pwesto para saPambansang Asambleya ng Laos na ihahalal sa pamamagitan ng isang lihim na balota para sa limang taong panunungkulan.