1.Ang mga bansa sa Asya ay kilala sa pagkakaroon ng pagpapahalaga sa kanilang pamilya, kaya naman may iba’t iba silang sinusunod na mga tradisyon sa pangangalaga dito. Anong pagpapahalaga ng Likas Batas Moral ang kanilang ipinamamalas?

a. Pag-ibig sa kapwa
b. Pag-big sa Diyos
c. Pag-ibig sa Sarili at Magulang
d. Pag-ibig na walang kapalit


2.Masasabing ang mga Sumerian ay may likas na kasanayang agrikultural. Ginamit nila ang kanilang kakayahang teknikal upang mapaunlad ang kanilang lungsod estado. Batay sa pahayag na ito, paano nagamit ng mga Sumerian ang kanilang intellect upang makamit ang tunguhin nito (katotohanan)?

a. Mayroong kakayahang magpamalas ng disiplina sa sarili upang makamit ang mithiin
b. Nakapagsasagawa ng tamang pagkilos upang maisakatuparan ang mga plano
Nakagagawa ng matinong c. pagpapadesisyon upang makamit ang mga plano
d. May kakayahang sila bumalangkas ng mga pamamaraan upang makamit ang anumang minimithi


3.Ang mga sumusunod ay katangian ng konsiyensiya maliban sa:

a. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nakikilala ng tao na may mga bagay siyang ginawa o hindi ginawa
b. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nakikilala ng tao ang tamang bagay na dapat gawin at masamang dapat iwasan.
c. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay nagawa nang maayos at tama o nagawa nang di maayos o mali
d. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nahuhusgahan ng tao kung may bagay na dapat siyang ginawa subalit hindi niya ginawa o hindi niya dapat isinagawa subalit ginawa​