PANUTO: Tama o Mali. Suriin kung tama o mali ang ipinapahayag sa bawat pangungusap.
Isulat sa bawat unahan na linya tama, kung tama, at mali naman kung mali.
1.
Mauuri sa alinman sa sumusunod ang katangian ng pangunahing tauhan sa
alamat: pisikal, sosyal, supernatural, gayundin ang intelektuwal at moral na
katangian
2.
Kadalasan ang paksa ng epiko ay umiikot sa tauhan kasama ang kaniyang
pakikipaglaban sa mahihiwagang nilalang, anting-anting, at ang kaniyang
paghahanap sa magulang o sa kaniyang minamahal.
3.
Isang magandang simula ng epiko ang paglalarawan sa tagpuan
4.
Ang pagkaka-sunod na mga bahagi ng banghay ay gitna, simula, at wakas
5.
Sa proseso ng paglalahad ng mga pangyayari ay pumapasok din ang ibang
elemento tulad ng tunggalian, suliranin, kasukdulan at kakalasan​