Sagot :
Kung ako si Mathilde ang gagawin ko upang matupad ang mga pangarap ko sa buhay ay,Magsisikap ako sa buhay tutuwangan ko ang aking asawa sa kanyang pagsisikap,mag iisip din ako ng paraan kung paano kikita ng pera hindi ako tatanga lang sa bahay at maghihintay ng sweldo ng aking asawa. Pagtitiisan ko kung ano lang ang meron ako mas uunahin ko ang mga mahahalagang bagay at mapapakinabangan kesa sa mga material na bagay lang at mga palamuti sa katawan.
Maikling buod ng Ang Kuwintas
Ang kwento ng Ang Kuwintas ay isinulat ni Guy De Maupassant siya ay isang sikat na manunulat sa bansang France siya din ay kinilalang Ama ng Modernong Maikling Kwento. Ang kwento ng ang kuwintas ay umikot sa pangunahing tauhan nito na si Mathilde at sa isang kuwintas, Si Mathilde ay isang babaeng maganda ngunit ipinanganak na mahirap lamang gayon din siya ay nakapangasawa rin ng isang mahirap, ang kanyang kinalalagyan taliwas sa gusto niyang maranasan sa kanyang buhay, nang minsang maimbitahan sila ng kanyang asawa sa isang kasayahan sa kagustohang makaranas makapag suot ng maganda at tingalain ng mga tao ay nanghiram siya ng isang kuwintas sa kanyang mayamang kaibigan at sa hindi inaasahang pangyayari ay naiwala niya ito. Sa kagustohang maibalik ang kwintas ay bumili sila ng kanyang asawa ng katulad nito bilang kapalit kahit pa nga iyon ay napakamahal ng halaga,na naging dahilan ng pagkalubog nila sa utang at paghihirap nila. Pagkaraan ng sampung taon na paghihirap ay nakabayad din sila sa mga pagkakautang at nagkita din sila ng kaibigan niya ng hiniraman niya ng kuwintas kinuwento niya ang pangyayari tungkol sa kuwintas ngunit ayon sa kanyang kaibigan na ang kuwintas na pinahiram niya dito ay isa lamang imitasyon,Naghirap ng lubos si Mathilde at ang kanyang asawa ng dahil sa isang kwintas lamang na isa lamang palang peke.
Tauhan sa ang Kwintas
- Mathilde Loise
- G. Loisel
- Madam Forestier
- George Ramponneau
Katangian ni Mathilde Loisel sa Ang Kuwintas
- Siya ay isang kaakit akit na babae na mula sa pamilya ng tagasulat
- Siya ay babaeng gustong makaranas ng marangyang pamumuhay
- Taglay din niya ang pagiging mainggitin
- Hindi makontento kung ano lang ang meron sya
Katangian ni Monsiuer Loisel
- Asawa ni madam Loisel
- Siya ay maintidi at maalalahanin sa kanyang asawa
- Siya ay pagnanais na maging laging masaya ang asawa
- Siya ay maasahan
- Mapag mahal sa asawa
Buksan para sa karagdagang kaalaman sa kuwentong Ang Kuwintas
https://brainly.ph/question/199952
https://brainly.ph/question/2116252
https://brainly.ph/question/202692