Answer:
Ang pagkakaibigan ay isang samahan ng mga taong malapit sa isa't-isa na may pagmamahalan, pagkakaunawaan at pagkakaisa. Tayong lahat ay may sariling mga kaibigan na handang tumulong at dumamay sa atin. Pinili natin silasapagkat iisa ang ating mga pananaw at kaugalian sa kanila. Sila ang mas nakakaunawa sa atin pagdating sa problemang emosyunal.
Minsan mas nauuna nating ipagtapat at isangguni ang ating mga problema at sikreto sa kanila kaysa sa ating mga magulang at kapatid. Sila rin ang nagbibigay payo sa tuwing tayo ay may suliraning emosyunal dahil sila ang mas nakakaunawa pagdating sa buhay pag-ibig (lovelife).
Kaya dapat ituring natin ng mabuti at pahalagahan ang ating mga kaibigan upang mas lalo pang tumibay at tumatag ang pagsasamahan natin sa kanila bilang magkaibigan.