tanong panliligaw at pagmamahal noon


Sagot :

Answer: Pahirapan ang paraan ng panliligaw noon. Ang lalaki ay dadaan muna sa butas ng karayom upang makuha lamang ang matamis na “oo” ng kanyang iniibig. Ang panliligaw ay maaaring magsimula sa munting liham para sa babae na naglalahad ng kanyang pagsinta. Gumagamit ng makatang mga salita ang lalaki sa kanyang liham. Syempre, hindi pa nagtatapos sa pagsasabi ng saloobin ang kanyang panliligaw. Susunod na hakbang ng lalaki ay ang panghaharana sa harap ng bahay ng babae. Kadalasan ay nagsasama ng ilang mga kaibigan ang lalaki sa panghaharana at umaawit ng mga awit ng pag-ibig kahit na sintunado. Kailangan din na makuha ng lalaki, hindi lamang ang pag-ibig ng babae, kundi ang pagsang-ayon din ng mga magulang nito sa kanyang panliligaw. Ang pagsang-ayong ito ay hindi madaling makuha dahil bago pumayag ang mga magulang ng babae, kailangan dumaan ang lalaki sa ilang pagsubok. Halimbawa nito ay ang pagsisibak ng kahoy o kaya ay pag-iigib ng tubig. Ang mga pagsubok na ito ay para masuri ng mga magulang ng babae kung karapat-dapat ba ang lalaki para sa kanilang anak. Sinusukat din nito ang katatagan at determinasyon ng lalaki na makamit ang kanyang minamahal. Dahil dito, napapakita ang pagiging masipag, matiyaga at matatag ng isang lalaki.