Sagot :
Answer:
Ano ba ang Kristiyanismo at ano ba ang pinaniniwalaan ng mga Kristiyano?
Sinasabi ng 1 Corinto 15:1-4 “At ngayo’y ipinaaalala ko sa inyo mga kapatid ang mabuting balita na ipinangaral ko sa inyo. Iyan ang ebanghelyo na inyong tinanggap at naging saligan ng inyong pananampalataya. Sa pamamagitan nito’y naliligtas kayo kung matatag kayong nananahan sa salitang ipinangaral ko sa inyo. Liban na nga lamang kung kayo’y sumasampalataya na di iniisip ang inyong sinasampalatayanan sapagkat ibinigay ko sa inyo itong pinakamahalagang aral na tinanggap ko rin. Si Kristo’y namatay dahil sa ating mga kasalanan, bilang katuparan ng nasasaad sa kasulatan. Inilibing Siya at muling nabuhay sa ikatlong araw, ayon din sa kasulatan.”
Iyan ang pinaniniwalaan ng mga Kristiyano.
Kakaiba ang Kristiyanismo sa lahat ng iba pang mga pananampalataya sapagkat ang Kristiyanismo ay mas nakatuon sa relasyon kaysa sa mga relihiyosong ritwal. Sa halip na magpa-alipin sa listahan ng mga dapat at hindi dapat gawin, ang layunin ng isang Kristiyano ay linangin ang kanyang malapit na paglalakad kasama ang Diyos Ama. Naging posible ang naturang relasyon dahil na rin sa ginawa ni Hesu Kristo at sa ministeryo ng Banal na Espiritu sa buhay ng Kristiyano.
- Naniniwala ang mga Kristiyano na ang Bibliya ay inspirado at walang pagkakamaling salita ng Diyos at ang itinuturo ng Bibliya ay Pinal. (2 Timoteo 3: 16; 2 Pedro 1:20-21)
- Naniniwala ang mga Kristiyano sa iisang Diyos na may tatlong personahe, Ang Diyos Ama, Anak (Hesu Kristo) at ang Banal na Espirito.
- Naniniwala ang mga Kristiyano na nilalang ng Diyos ang tao upang magkaroon ng relasyon sa kanya, subalit inihiwalay ng kasalanan ang tao sa Diyos. (Roma 5:12; Roma 3:23)
- Itinuturo ng Kristiyanismo na nagkatawang tao ang ating Panginoong Hesu Kristo dito sa mundo, totoong Diyos at totoong tao, (Filipos 2:6-11) at namatay sa krus.
- Naniniwala din ang mga Kristiyano na matapos ang kanyang pagkamatay sa krus, inilibing si Hesus, nabuhay Siya nang mag-muli at ngayo’y nasa kanang kamay ng Diyos Ama at patuloy na nananalangin para sa mga mananampalataya. (Hebreo 7:25)
- Inihahayag ng Kristiyanismo na sapat na ang kamatayan ni Hesu Kristo sa krus para lubusang mabayaran ang kasalanan ng sangkatauhan. Ito rin ang nagpanumbalik sa naputol na relasyon ng tao sa Diyos (Hebreo 9: 11-14; Hebreo 10: 10; Roma 6:23; Roma 5:8).
Explanation:
sana may naitulong ako:)