Pagsasanay 2: Unawain at tukuyin kung ang ginamit na pang-abay na may salungguhit sa bawat pangungusap ay pamaraan, panlunan, o pamanahon. 1. Maaga siyang pumasok sa paaralan. 2. Pabulong na nagalit ang inutusang bata. 3. Taimtim na nagdasal ang buong mag-anak. 4. Naglaro sila sa bakuran ng kapitbahay. 5. Tinuturuan siya ng nanay sa modyul tuwing gabi. 6. Magalang niyang sinalubong ang guro. 7. Naligo siya sa banyo at nagpalit ng damit. 8. Mahusay bumigkas ng tula si Denden. 9. Nagdasal siya sa harap ng altar. 10. Mabilis niyang iniligpit ang pinaghigaan.