PANUTO: Suriing mabuti at salungguhitan ang paksa ng pangungusap sa
bawat bilang.

6. Malalaki at matataas na gusali ang matatagpuan sa Ortigas, Pasig City.
Kilalang –kilala ang lugar na ito dahil sa mga magagara at malalawak na mall at establismyento. Narito ang mga hotel at restaurant ng mga sikat. Ang Ortigas ay isa sa pinakamaunlad na lugar sa Metro Manila.

7. Napakahalaga ng Bitamina A sa ating katawan. Ito ang tumutulong upang maging malinaw an gating mata. Ang kakulangan sa bitaminang ito ay magdudulot ng malabong paningin.

8. Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon. Sa gitna ng
suliranin ay dapat umiral ang pagmamahalan, pagkakaisa, at
pagtutulungan upang lalong tumibay ang pagsasamahan. Bukod dito,
biyaya ng Dios ang ating pamilya.

9. Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan. Ang bawat
lugar sa ating bansa ay may kapistahang ipinagdiriwang. Isang kilalang
tradisyon natin ay ang bayanihan. Ang bayanihan ay ang pagtutulungan ng
mga tao para sa iisang gawain.

10. Maraming masasayang gawain ang isang iskawt. Natututo siya ng ibat-
ibang paraan ng pagtatali. Nagca-camping at natutulog siya kasama ang
ibang iskawts sa mga tents. Nagha-hiking siya sa mga ilog. Marami siyang
natututunang kasanayan hinggil sa paano maging ligtas, at paano maging
responsableng bata.