PAG-ALAM SA NATUTUNAN
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang diwa ng pangungusap sa bawat bilang at
salita ng MALI naman kung hindi ito wasto,

1. Ang balagtasan ay isang uri ng pagtatalo na ginagawa sa paraang patula.

2. Itinanghal sa Plaza Miranda sa Quiapo ang kauna-unahang balagtasan noong Abril
4,1924 sa sagupaan nina Jose Corazon de Jesus at Florention Collantes.

3. Tinatawag na mambabalagtas ang sinumang bumubigkas ng balagtasan,

4. Isang tono lamang ang ginagamit sa pagbigkas ng balagtasan.

5.Ang Lakandiwa o Lakambini ang nananawagan sa mga mambabalagtas na
makilahok sa pagtatalo.

6. Si Lope K. Santos ang nagmungkahi na magsagawa ng makabagong duplo na
kakaiba bilang parangal kay Francisco Baltazar.

7. Pinagtulungang isulat nina Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes ang unang
balagtasan na "Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan".

8.Ipinagtanggol ni Emilio Mar Antonio ang panig ng pangaral na kumakatawan sa
makata ng Bulacan.

9.Nadaig ni Teo S. Baylen, ang makata ng Cavite sa balagtasan si Emilio Mar
Antonio

10. Ang madlang nakikinig ang magbibigay ng hatol sa pagtatalong ginawa sa
balagtasan tungkol sa wastong pagdidisiplina sa mga anak.​