Sagot :
Answer:
May mga nakalalasong produkto ang bawat kabahayan. Ang mga lumang lalagyan ng mga kemikal sa kabahayan ay posibleng masira at tumagas, at dahil dito, magkaroon ng mga mapanganib na kemikal sa hangin at magkasunog kapag itinago ninyo ang mga ito sa loob ng bahay, o makontamina naman ang daluyan ng tubig-ulan kapag inilagay ninyo sa labas.
Kapag hindi tama ang pagtatapon, sa landfill (pinagtatapunan ng basura) man o sa drain (kung saan bumababa ang maruming tubig) ang kinahahantungan ng mga ito. Posibleng makapunta ang mga nakalalasong kemikal at heavy metals (mga masinsing metal tulad ng mercury at lead) sa lupa at sa tubig na nasa ilalim ng lupa. Posible ring masaktan ang mga manggagawa kapag pinitpit ang mga produktong ito sa mga trak na para sa basura at pagre-recycling.