Ang Islam (Arabiko: الإسلام; al-islām), "pagsunod sa kalooban ng Diyos", ay isang pananampalatayang monoteismo at ang ikalawang pinakamalaking relihiyon sa mundo. Ito ay isang Abrahamikong relihiyon kasama ng Kristiyanismo at Hudaismo kaya't malapit na kamag-anak ng mga pananampalatayang ito.[1] Naniniwala ang mga tagasunod ng Islam na kilala bilang mga Muslim[2] na ipinahayag ng Diyos (Allah sa Arabo) ang kanyang banal na salita sa sangkatauhan sa pamamagitan ng maraming mga naunang mga propeta, at ni Muhammad na siyang huling propeta ng Islam.[3]