Sagot :
Ayon sa kasaysayan, taong 1644 hanggang 1912 ng pamunuan ng mga Manchu ang bansang Tsina. Ang buong bansa ay napasailalim ng mga banyaga sa pamamahala ng Dinastiyang Qing. Kaugnay nito, nagkaroon ng malaking epekto ang kanilang pakikipagkalakal sa mga bansang bahagi ng kontinente ng Europa. Nagpatuloy ang pagdagsa ng mga mangangalakal noong ika-18 na siglo. Dahil sa patuloy na pagdagsa ng mga nais makipagpalit ng mga kalakal, naghigpit ang mga Tsino na nagdulot ng pagkakaroon ng mahigpit na patakaran. Narito ang mga patakarang pangkalakal na ginawa ng mga Tsino:
- Nagkaroon ng limitasyon sa pagkilos ng mga dayuhan sa Canton.
- Kinakailangang sa mga kinatawan lamang ng pamahalaang Qing makikipagugnayan ang mga nais mangalakal sa Tsina.
- Karagdagang pagpapataw ng buwis.
- Kinakailangang kaharap ang emperador ng Kowtow sa tuwing mayroong transakyong kalakalan.
Subalit nag-umpisa ang paghina ng kapangyarihan ng Dinastiyang Qing. Ito ay dahil sa kakulangan sa husay ng emperador na namuno. Naganap ito ng pumasok ang ito nang pumasok ang ika-19 na siglo.
Isa sa mga naging kadahilanan upang patuloy na dayuhin ng mga banyagang dayuhan na mananakop ang bansang Tsina sapagkat nagkaroon ng panganganib sa pagkaubos ng mga pilak na pangunahing materyales noon sa paggawa ng mga salapi. Ito nagdulot ng pagsisimula ng pagpasok ng Opyo sa bansang Tsina.
#LearnWithBrainly
Kahulugan ng Opyo:
https://brainly.ph/question/400734