Ano ang ibig sabihin ng kultura?

Sagot :

Answer:

Ang kultura o kalinangan ay tumutukoy sa pangsakatihang aktibidad. Ito ang “kaparaanan ng mga tao sa buhay”, ibig sabihin ang paraan kung paano gawin ang mga bagay bagay. Maaaring ito ay ay kuro o opinion ng buong lipunan, Makita sa kannilang salita, aklat, sa mga sulatin, relihiyon, musika, pananamit, at iba pa.

# Carryonlearning

Answer:

Ang kultura ng isang bansa ay binubuo ng kanyang mga katutubo at katangi-tanging kaugalian, paniniwala at mga batas.

Sa kultura nakikilala ang isang bansa at ang kanyang mga mamamayan. Ang kultura ay mabisang kasangkapan sa pambansang pagkakaisa dahil dito naipapahayag ang tunay na diwa ng pakikipagkapwa.

Ang ating mabubuting gawi, kaugalian at kinamihasang Pilipino ay nailalarawan ng ating mga kaalamang-bayan gaya ng mga alamat, kwentong-bayan, pabula at epiko.

Kahit na ang mga ito ay makaluma, maari itong pagbatayan ng mga kabutihang asal na dapat ipamana sa mga sumsunod na henerasyon. Kung kaya’t nararapat nating pananatilihing buhay ang ating mga kultura sapagkat dito nasasalig ang ating pagkakakinlanlan, kaisahan, kamalayan at kinabukasan.