Answer:
Ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa tao noong siya ay likhain. Ito ay sa dahilang nakikibahagi siya sa karunungan at kabutihan ng Diyos. Sa pamamagitan ng batas na ito, ang tao ay may kakayahang makilala ang mabuti at masama. Dahil sa kalayaan, ang tao ay may kakayahang gumawa ng mabuti o masama. Nakaugat ito sa kanyang malayang kilos-loob dahil ang pagtungo sa kabutihan o sa kasamaan ay may kamalayan at kalayaan.