Ano ang mga tungkulin na pamahalaan para sa mamamayan?



Sagot :

Ang Mga Tulong-Lingkod Ng Pamahalaan:

Iba’t ibang paglilingkod ang isanasakatuparan ng pamahalaan upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan.


1. Kagawaran ng Edukasyon (Department of Education)
Pinangangasiwaan ng kagawarang ito ang lahat na paaralang publiko at pribado sa buong bansa. Tungkulin ng pamahalaan na magpatayo ng mga paaralan para sa mga kabataan at maging para sa matatanda.


2. Kagawaran ng Tanggulang Pambansa (Department of National Defense)
Kagawarang itinaguyod upang matiwasay na mamuhay ang mga mamamayanat itinalaga ng pamahalaan ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas na siyang tagapagtanggol ng pamahalaan. Pinananatili rin ng kagawarang ito ang katahimikan at kaayusan ng bansa.


3. Kagawawran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (Department of Interior and Local Government)
Sa ilalim ng Kodigo ng Pamahalaang Lokal, ang mga barangay, bayan, lungsod at lalawigan ay pamamahalaan ng mga pinunong lokal ay tinitiyak ng kagawarang ito na nasa ayos ang takbo, galaw at magkakatugma ang mga proyekto ng mga lokal na pamahalaan sa paglinang ng kalagayang pangkabuhayan, panlipunan, at pampulitika ng bansa.


4. Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Kayamanan (Department of Environment ang Natural Resources)
Nagsasagawa ang kagawaran ng mga hakbangin at mga proyekto upang maibalik ang dating kasaganaan at kaayusan ng mga naturang yaman ng bansa.


5. Kagawaran ng Paggawa at Empleyo (Department of Labor and Employment)
Isinasaayos ng DOLE ang hindi pagkakaunawaang namamagitan sa mga manggagawa at mga may-ari ng pagawaan upang maiwasan ang mga welga at pagtatanggal ng mga manggagawa sa trabaho.


6. Kagawaran ng Kalusugan (Department of Health)
Pinangangalagaan ng kagawaran ang kalusugan ng mga mamamayan sa buong kapuluan sa pamamagitan ng mga pagamutan, ospital at mga klinika.


7. Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (Department of Science and Technology)
Itinataguyod ng kagawarang ito ang pananaliksik, imbensyon at edukasyong pang-agham at panteknolohiya. Kabilang sa programa ng DOST ang pagpapaunlad ng kaalaman at kasanayan sa agham at teknolohiya na itinataguyod ng mga paaralan.


8. Kagawaran ng Panlipunang Paglilingkod at Pagpapaunlad (Department of Social Welfare and Development)
Ang kagawarang ito ang namamahala sa pagbibigay ng tulong at paglilingkod sa mga pamilya ng biktima ng bagyo, sunog, baha, lindol at iba pang kalamidad. Tinutulungan ang mga naghihirap upang mapatatag ang pamumuhay kabilang na ang mga musmos, matatanda, mga kapuspalad at mga may kapansanan.


9. Kagawaran ng Repormang Pansakahan (Department of Agrarian Reform)
Ang isa sa mga programa nito ay ang Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP. Layunin ng programang ito na mabigyan ng lupa ang mga magsasaka na bahagi ng lupang kanilang sinasaka bilang kasama ayos sa itinadhana ng batas.


10. Kagawaran ng Katarungan (Department of Justice)
Tungkulin ng kagawarang ito ang pagpapairal ng katarungan sa bansa. Lahat ng mamamayan, mahirap man o mayaman ay may karapatang tumanggap ng pantay na pagtingin ng batas at ng hukuman. Ang mga mahihirap na mamamayan na hindi kayang magbayad ng abogadong magtatanggol sa kanila ay pinagkakalooban ng abogado,


11. Kagawaran ng Agrikultura (Department of Agriculture)
Ang kagawarang ito ang gumagawa ng paraan upang matugunan ang pangunahing pangangalangan ng mga tao sa pagkain. Nagpapautang din ang pamahalaan ng puhunan, abono at mga makabagong makinarya na magagamit sa pagsasaka.


12. Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (Department of Trade and Industry)
Nakikipagugnayan sa ibang bansa ang pamahalaan upang magtayo ng industriya sa bansa ang mga dayuhan at bumili ng mga produktong Pilipino na makatulong sa pagtaas ng ekonomiya ng bansa.

13. Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon (Department of Transportation and Communication)
Nagsasagawa rin ang kagawarang ito ng mga alintuntunin tungkol sa operasyon ng transportasyon tulad ng mga sasakyang pampubliko pati mga pribadong sasakyan at marami pang iba at operasyon ng komunikasyon tulad ng telepono, pahayagan, telebisyon, radyo at iba pang paraan ng komunikasyon.

14. Ang Sangay Panghukuman o Hudikatura 
Ang kapangyarihan at tungkuling ng Sangay Panghukuman ay nakatakda sa Artikulo 8 Seksyon 1 ng Saligang Batas. Saklaw ng kapangyarihan panghukuman ang tungkulin ng mga hukuman ng katarungan na ayusin ang mga nangyayaring mga sigalot na may kinalaman sa mga karapatang naaayon sa batas.