Ang Pangasinan ay isang lalawigan ng Pilipinas sa rehiyon ng Ilocos. Matatagpuan ang lalawigan sa kanlurang bahagi ng pulo ngLuzon sa may Golpo ng Lingayen at Timog Dagat Tsina. Ito ay may kabuuang sukat na 5,451.01 square kilometres (2,104.65 sq mi). Ayon sa senso noong 2010, ang populasyon ay nasa 2,779,862.
Pangasinan ang pangalan ng lalawigan, ng mga mamamayan, at ang pangunahing wikang sinasalita sa lalawigan. Tinatayang nasa 1.5 milyong ang mga katutubong Pangasinan. Isa ang wikang Pangasinan sa mga opisyal na kinikilalang wikang rehiyunal sa Pilipinas. Sinasalita ang Pangasinan bilang ikalawang wika ng mga etnikong minorya sa Pangasinan. Ang pinakakilalang pangkat etnikong minorya sa Pangasinan ay ang mga Iloko, Bolinao at mga Tagalog.