Ang pamilang ordinal at kardinal ay kilala rin bilang mga pang-uring pamilang. Dagdag pa, ang pamilang ordinal ay tinatawag rin na pamilang na panunuran na siya ginagamit sa pagkakasunud-sunod ng mga bagay (ika- at pang-), habang ang pamilang kardinal ay pamilang na patakaran, na siyang nagsasaad ng dami ng mga bagay.