Sagot :
Ang Imperyalismo ay nakita sa lumang kasaysayan ng Imperyo ng Asiria, Imperyong Romano, Gresya, Imperyo ng Persya, at Imperyong Ottoman, lumang Ehipto, Indya, Imperyong Aztec, at bilang pinakasimpleng bahagi ng pananakop ni Genghis Khan at ng iba pang mga mananakop. Bagama't ang gawaing imperyalista ay ilang libong taon nang isinasagawa, ang bansag na "Panahon ng Imperyalismo" ay tumutukoy sa mga gawain ng mga bansa katulad ng Britanya, Hapon, at Alemanya sa huling bahagi ng ika-19 na dantaon at unang bahagi ng ika-20 dantaon, e.g. ang "Pag-aagawan para sa Aprika" at ang "Patakaran sa Bukas na Pinto" sa Tsina.