medyo nahihirapan pa ako sa pag gawa ng essay writing. Pa ano ko ito mapapadali?

Sagot :

Isipin mo muna kung ano yung magiging paksa ng essay mo. Yung paksa na alam na alam mo, yung interesado ka talagang isulat. Pagkatapos nun, maaari kang magsaliksik ng mga datos tungkol dun sa paksang napili mo, para may makuha kang ideya mula dun. Pagkatapos nun, isulat mo muna bilang draft lahat ng ideya mu tungkol dun sa isusulat mo, pati na rin yung mga nakalap mong datos. Tapos saka mo sya isulat bilang essay. Mas maganda kung tatlong talata yung essay mo.

Yung unang talata, para sa introduction. Magbibigay ka lang dun ng konting impormasyon tungkol sa essay mo, yung tipong mapupukaw mo yung atensyon ng babasa. Depende sa paksang mapipili mo, pwede mo haluan ng konting joke o banat yung essay mo para hindi siya nakakaantok basahin. Yung pangalawang talata, nanddon nakapaloob yung talagang nilalaman ng essay mo. At yung pangatlong talata, kung anu yung kongklusyon mu dun sa essay mo. Pwede ka ring mag-iwan ng tanong para sa makakabasa nito :)