Sagot :
Antas ng Pang - uri
Ang antas ng pang - uri ay nagsasabi ng kasidhian ng pang - uri sa pangungusap. May tatlong antas: lantay, pahambing, at pasukdol. Lantay kapag ito ay nasa karaniwang anyo. Pahambing kung inihahambing ang dalawang pangngalan o panghalip. Pasukdol kung nagpapahayag ng kasukdulan ng paghahambing ng higit sa dalawang pangngalan o panghalip.
Mga Halimbawa ng Lantay:
- Masaya ang naging bakasyon namin sa probinsya.
- Madami ang taong nais na lumabas ng bahay ngayong tag - init.
- Busilak ang puso ni Esperanza.
- Tapat ang hangarin sa kanya ni Dencio.
- Simple lang ang buhay sa probinsya.
Mga Halimbawa ng Pahambing:
- Mas masaya sana kung kumpleto pa ang aming pamilya.
- Mas madami ang mga tao sa mall ngayon kumpara nung nakaraang Linggo.
- Higit na busilak ang puso ni Esparanza kung ihahambing kay Myrna.
- Mas tapat ang naging tugon ni Esperanza sa pag - ibig ni Dencio.
- Ang buhay sa probinsya ay di - hamak na mas simple kumpara dito sa Maynila.
Mga Halimbawa ng Pasukdol:
- Ako ang pinakamasaya sa lahat sa bakasyon naming iyon.
- Pinakamarami ang tao sa mall tuwing araw ng Linggo.
- Ang Diyos ang siyang may pinakabusilak na puso sa lahat.
- Ang pag - iibigan nina Dencio at Esperanza ang pinakatapat sa lahat.
- Siya ang taong nakilala kong pinakasimple kung mag - isip.
Ano - ano ang antas ng pang - uri at mga halimbawa nito: https://brainly.ph/question/207629
#LearnWithBrainly
Antas ng Pang - uri
Ang antas ng pang - uri ay nagsasabi ng kasidhian ng pang - uri sa pangungusap. May tatlong antas: lantay, pahambing, at pasukdol. Lantay kapag ito ay nasa karaniwang anyo. Pahambing kung inihahambing ang dalawang pangngalan o panghalip. Pasukdol kung nagpapahayag ng kasukdulan ng paghahambing ng higit sa dalawang pangngalan o panghalip.
Mga Halimbawa ng Lantay:
Masaya ang naging bakasyon namin sa probinsya.
Madami ang taong nais na lumabas ng bahay ngayong tag - init.
Busilak ang puso ni Esperanza.
Tapat ang hangarin sa kanya ni Dencio.
Simple lang ang buhay sa probinsya.
Mga Halimbawa ng Pahambing:
Mas masaya sana kung kumpleto pa ang aming pamilya.
Mas madami ang mga tao sa mall ngayon kumpara nung nakaraang Linggo.
Higit na busilak ang puso ni Esparanza kung ihahambing kay Myrna.
Mas tapat ang naging tugon ni Esperanza sa pag - ibig ni Dencio.
Ang buhay sa probinsya ay di - hamak na mas simple kumpara dito sa Maynila.
Mga Halimbawa ng Pasukdol:
Ako ang pinakamasaya sa lahat sa bakasyon naming iyon.
Pinakamarami ang tao sa mall tuwing araw ng Linggo.
Ang Diyos ang siyang may pinakabusilak na puso sa lahat.
Ang pag - iibigan nina Dencio at Esperanza ang pinakatapat sa lahat.
Siya ang taong nakilala kong pinakasimple kung mag - isip.
Ano - ano ang antas ng pang - uri at mga halimbawa nito: https://brainly.ph/question/207629
#LearnWithBrainly