Kailan ipinanganak sigenghis khan



Sagot :

Kasagutan:

Genghis Khan

Si Genghis Khan ay isang mananakop na nabuhay noong c. 1162 hanggang 1227. At siya rin ang nagpasimula ng Emperyo ng Mongol, b. Temujin.

Sinasabi na noong 1206 ay pinagbuklod niya ang Mongolia at siya ay nabansagang Genghis Khan o Universal Ruler.

Ipinakita niya ang pagiging henyo niya sa paghawak ng militar dahil pati Beijing sa Tsina ay nasakop niya noong 1215.

Nagpatuloy siya at binuo ang isa sa pinakamalaking emperyo sa kasaysayan. Pinalawak niya ito hanggang Afghanistan, Uzbekistan at Iran at sinakop din niya ang Moscow sa Russia.

Sa kamatayan niya ay nahati sa mga anak niya ang mga hawak niyang lugar. Si Kublai Khan ay kanyang apo.

#AnswerForTrees