anu ang ibig sabihin ng napatiim-bagang sa filipino ?

Sagot :

Ang ibig sabihin ng napatiim-bagang sa Filipino ay galit o pagkasuklam. Isa itong matinding emosyon na nararamdaman ng isang tao. Nagpapahayag ito ng negatibong damdamin sa isang tao o sitwasyon. Isa itong metapora na naghahambing sa dalawang bagay. Ang metapora ay halimbawa ng tayutay upang bigyang diin ang isnag kaisipan.  

Halimbawang Pangungusap

Ang mga sumusunod ay mga halimbawang pangungusap ng salitang napatiim-bagang:

  1. Napatiim bagang si Antonio dahil sa kaniyang narinig.
  2. Napatiim-bagang ako habang pinapakinggan ko ang panlalait niya sa akin.
  3. Nakita kong napatiim-bagang si Perla habang binabasa ang hatol ng hurado sa kaniyang kaso.

Kasingkahulugan

Ito ang mga salitang kasingkahulugan ng “napatiim-bagang”:

  • Nasusuklam
  • Matinding galit
  • Paninibugho

Karagdagang kaalaman:

Nagtiim ang bagang meaning: https://brainly.ph/question/2721409

#LearnWithBrainly