May mga magulang na nanghihimasok sa buhay ng mga anak maging sa pagpili ng kanilang
mapapangasawa.
Paliwanag​


Sagot :

TANONG

May mga magulang na nanghihimasok sa buhay ng mga anak maging sa pagpili ng kanilang  mapapangasawa.

Ipaliwanag​

SAGOT

Totoong  ay mga magulang na nanghihimasok sa buhay ng kanilang mga anak kahit sa pagpili ng kanilang mapapangasawa. Ito'y totoong nangyayari sapagkat noong sinaunang panahon, ginagawa ng mga magulang ang tinatawag na "Arranged Marriage". Ang arranged marriage ay isang kasunduan sa pagitan ng dalwang pamilya kung saan ipinagkasundo nila ang kanilang mga anak na magpakasal sa takdang panahon. Walang magagawa ang mga anak kundi ang sundin ang kanilang mga magulang. Dahil dito, maraming mga batang nagrerebelde sa kanilang mga magulang dahil wala silang kalayaan sa kanilang sariling buhay.

Ang isa pang pangyayari kung saan nanghihimasok ang mga magulang sa buhay ng kanilang anak ay ang palaging pagsasabi sa kanilang mga anak kung ano ang dapat nilang gawin. Tulad sa kung ano ang dapat nilang suotin kung sila'y pupunta sa isang kasiyahan. O kung ano ang dapat at hindi dapat nilang gawin kung sila'y makikipagkita sa kanilang mga kaibigan.

~Summeeer~

Sana nakatulong ito sayo.

#CarryOnLearning