Sagot :
Awiting Bayan
Ang mga awiting bayan ay mga sinaunang awit ng ating mga ninunong Pilipino. Bago pa man tayo masakop ng mga Kastila, ang Pilipinas ay may sariling kultura at tradisyon, gayundin ang pag-awit ng mga katutubong awit.
Mga Uri ng Awiting-Bayan
1. Oyayi o ayayi. Ito ay awiting panghele o pampatulog sa bata.
2. Diyona. Ito ay awiting tungkol sa kasal.
3. Kundiman. Ito ay awit ng pag-ibig.
4. Kumintang. Ito ay awit ng pandigma.
5. Soliranin. Ito ay awit sa paggagaod.
6. Tikam. Ito ay pandigmang awit na pang-akit sa pakikihamok o kaya naman ay pagbati sa bayaning nagtatagumpay.
7. Talindaw. Ito ay awit sa pamamangka.
8. Kutang-kutang. Ito ay awiting panlansangan.
9. Maluway. Ito ay awit sa sama-samang paggawa.
10. Pananapatan. Ito ay panghaharana sa Tagalog.
11. Sambotani. Ito ay awit ng pagtatagumpay.
12. Balitaw. Ang katutubong awit na ito ay isang tradisyonal na awit mula sa mga Cebuano. Pinaghalong kantahan, sayawan at sagutan ang babae at lalaki.
13. Dalit. Ito ay awit na panrellhiyon.
14. Pangangaluwa. Ito ay awit sa araw ng mga patay ng mga Tagalog.
15. Dung-aw. Ito ay awit sa patay ng mga llokano
Kahalagahan ng Awiting Bayan
Ang mga awiting bayan ay mga awiting may lahing Pilipino at inaawit hanggang ngayon. Halimbawa ng mga awiting ito ay Leron, Leron Sinta, Dalagang Pilipina, Bahay Kubo, Atin Cu Pung Singsing, Manang Biday at Paruparong Bukid.
Ang katutubong kultura ay nanatiling paksa ng mga awiting bayan. Ang mga awiting bayan ay nakatuon sa damdamin ng tao, pagpapaliwanag at pagharap sa kapaligiran, kahalagahan ng paggawa, kagandahan ng buhay, pananampalataya, pag-asa, pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, at pagpapahayag ng iba't ibang gawi at gawi.
Denotasyon ng awiting bayan at konotasyon ng awiting bayan: https://brainly.ph/question/8830743
#BrainlyEveryday