Sagot :
Answer:
Maraming mga nagawa ang iyong mga magulang para sa iyo sa loob ng maraming taon at tiyak na nais mong ipakita sa kanila kung gaano ka napapasasalamatan. Gayunpaman, ang pagpapalit ng mga salita sa mga gawa ay maaaring mahirap. Gusto mong sabihin sa kanila kung gaano mo kamahal ang mga ito, ngunit marahil hindi mo alam kung paano ito gagawin. Sa kabutihang palad, ito ay simple. Maaari mong ipaalam sa kanila kung gaano mo kamahal ang mga ito sa pamamagitan ng paggugol ng oras, pagtulong sa kanila at pakikipag-usap sa kanila.
#Carryonlearning
Explanation:
Answer:
Maraming paraan upang maiparamdam natin sa ating mga magulang na mahalaga sila sa atin. Ilan sa mga ito ay ang pagsunod sa mga utos at bilin nila sa atin. Nagbibilin ang ating mga magulang dahil mahal nila tayo at ayaw nila tayong mapahamak. Ang pagsunod sa kanila ay isang paraan upang maipakita at maiparamdam natin sa kanila na mahal at pinapahalagahan natin sila. Maaari rin nating maiparamdam sa kanila na mahalaga sila sa pamamagitan ng pagpapasaya sa kanila. Ang paglilinis o paggwa ng mga gawaing bahay ng hindi iniuutos ng ating magulang ay isang paraan upang mapasaya natin sila. At higit sa lahat maaari nating maiparamdam sa kanila na mahalaga sila sa pamamagitan ng pagsasabi ng "Mahal ko kayo". Kadalasan ay nahihiya na tayong sabihin ang katagang ito sa ating mga magulang ngunit hindi dapat tayong mahiya na ipahayag ang ating pagmamahal sa kanila lalo na at sila ang dahilan kung bakit tayo nandito ngayon.