Sagot :
Mahalaga ang pagsunod sa alituntunin ng paaralan upang maging mapayapa ang lahat ng mga estudyante at guro. Walang gulo ang magaganap at magiging mas mapayapa ang paaralan. Lahat ng mga paaralan ay may mga alituntunin, sumunod nalang tayo sa mga ito upang tayo ay hindi gagawa ng gulo na maaari nating ikapahamak. Hindi naman para sa iba ang mga alituntunin kundi para rin sa atin.
Halimbawa, sabi sa alituntunin sa paaralan na pinapasukan ni Juan na bawal mang-api sa kapwa mag-aaral o no bullying sa Ingles. Hindi sumunod si Juan sa alituntuning ito. Kaya naman nung nalaman ito ng mga guro ay agad ipinatawag ang kanyang mga magulang upang kanilang malaman ang ginawa ni Juan. Sa pang-aapi na ginawa niya, nagsanhi ito sa kanyang kapwa mag-aaral ng depression at nagpakamatay. Kaya naman tuluyang nagsisisi si Juan sa kanyang ginawa. Na dapat pala sinunod nalang niya ang alituntunin ng paaralan.
Kailangan tayo ay palaging sumunod dahil nga sabi nila, "Nasa huli ang pagsisisi.". Huwag na natin hintayin na tayo ay magsisi sa ating mga ginawa. Isipin natin palagi ang kapakanan ng iba at huwag gumawa ng gulo. Isipin natin ng mabuti paano kung tayo ang nasa sitwasyon nang ating kapwa upang ating mapagtanto ang epekto nito sa kanila.
Maging mabuting halimbawa tayo sa iba at maging mabuti sa ating kapwa.