Basahin ang bahagi ng talumpati ni Dr. Ponciano B. P. Pineda tungkol sa bilingguwalismo. Suriin Ito at lugnay sa sarillng kaalaman Filipino at Ingles: Magksamang Kasangkapan sa Edukasyong Filipino Ang salitang bilingualism ay hindi nab ago sa Pilipinas Ito ay karaniwan na sa mga mag-aaral ng lingguwista. Ngunit nito lamang napagtibay ang bagong patakaran ng wikang panturo naging bukambibig sa pulutong ng ava tagabalangkas ng patakarang pang edukasyon, mga guro at akdemiko, mga tagapangasiwa at mag- aaral. Ang naging anyo ng payak na sallta'y bilingual Instrucyion/o edukasyon Maraming katuturan ang bilingualism. Mayroon ding bat ibang uri. Sa aking pangangailangan sa papel na Ito, at bunga ng aking pagkaunawa sa bagong patakaran, ang parirala'y nangangahulugan ng edukasyon sa pamamagltan ng dalawang wika: sa Filipoino at sa Ingles Gayon din ang bilingualisrn na Inlisp ditto ay uring agapay. Bakit sa Filipino at Ingles? Alinsunod sa Tagapangulo ng National Board of Education, (NBE), nabatid niya ang hangarin ng Pangulo na ang Filipino at Ingles ay gawing media ng Instruksiyon mula Grade 1 hanggang sa pinakamataasna kapantayan ng edukasyon at ava bernakular ng bawat rehiyon ay magiing mga pantulong na wika ng pagtuturo sa Grade I at grade Il Ang nabanggit na paninindigan ng Pangulo tungkol sa Wka ay pormal na nakapaloob sa sulat sa NBE atsa isang mensaheng binasa sa TV sa palatuntunang Pulong-PuIong sa Kaunlaran noong Mayo 29, 1973 Ang katuwirang ibinigay ng Pangulo, ayon sa Chairman ay to: "Ang wika ay isa sa mga paraan at pagkakaisa ng mga mamamayan; ang gamit ng mga bemakular ay may epektong paghihiwa-hiwalay."