Sagot :
Answer:
Kabihasnang Klasiko at Tradisyunal
Ang kabihasnang klasiko at tradisyunal ay mailalarawan bilang mga uri ng sibilisasyon na umusbong sa magkaibang panahon. Ang mga tradisyunal na sibilisasyon ay umusbong ilang libong taon na ang nakalilipas, at sila ang mga pinakaunang mga kabihasnang lumago sa ibabaw ng lupa. Kabilang dito ang sinaunang Ehipto, Mesopo tamia, Tsina, Indus, at Mesoamerica.
Ang kabihasnang klasiko naman ay ang mga sibilisasyong umusbong at yumabong mula ikawalong siglo BC hanggang sa ikaanim na siglo BC. Kabilang dito ang sibilisasyong Griyego at Romano. Ang mga sibilisasyong ito ay nakaharap sa Mediterranean Sea na naging sentro ng kalakalan. Ang mga sibilisasyong ito ay kilala rin bilang bahagi ng Greco-Roman World.
Ang isang kabihasnan ay matatawag lang na isang sibilisasyon kung:
- Mayroong maayos na pamahalaan
- Mayroong organisadong relihiyon
- May pagkakaiba-iba ng antas sa lipunan
- May pagpapahalaga sa sining at kultura
- May paraan ng pagsusulat
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga sinaunang sibilisasyon, bisitahin lamang ang link na ito:
brainly.ph/question/11266020
#BrainlyEveryday