II. Panuto: Kilalanin kung sinong tauhan ng balagtasan ang tinutukoy sa bawat pahayag. Isulat kung ito ba ay Lakandiwa, Mambabalagtas, o Manonood. _______________ 1. Tawag sa panig na nagtatalo sa balagtasan kung saan ang isa ay sang-ayon at ang isa naman ay sa panig ng di sang-ayon sa paksang pinagtatalunan. _______________ 2. Ito ang makatang namamagitan sa dalawang panig na nagtatagisan ng mga katwiran sa matulain at masining na pamamaraan. _______________ 3. Mga tagapakinig sa balagtasan. _______________ 4. Ito ang nagsisimula ng balagtasan sa pamamagitan ng pagpapakilala sa mga pangkat na magtatalo. _______________ 5. Hangarin nilang mapaniwala ang katalo at ang mga tagapakinig sa kanilang pangangatwirang inilalahad. _______________ 6. Naglalahad ng mga katwiran ng magkabilang panig. _______________ 7. Naglalahad sa madla ng paksang pagtatalunan. _______________ 8. May magandang kaasalan sa pakikipagtalo, hindi pikon. _______________ 9. Minsa’y nagbibigay ng hatol sa mga narinig na paglalahad. _______________ 10. Gumagamit ng mga salitang tiyak at malinaw upang ang kanilang mga pangangatwiran ay ganap na maunawaan.