halimbawa na pangungusap sa pangatnig na subalit

Sagot :

Ang pangatnig ay isang bahagi ng pangungusap na ang layunin ay mag-ugnay ng mga salita o parirala. Maari rin itong mag-bukod ng kaisipan sa isang pangungusap. Ang pangatnig ay nakakatulong upang mas lalong luminaw ang kaisipan sa talata o pangungusap katulad ng pag-gamit ng mga pangatnig na: ngunit, upang, sakali, kapag, samantala, habang, dahil, at subalit.

Ito ang iilang pangungusap na may pangatnig na "subalit":

  1. Siya ay isang mabuting anak, subalit hindi siya gaanong masipag na mag-aaral.
  2. Matagal na niyang gustong mag-ipon ng pera, subalit mahilig rin siyang gumastos sa mga gamit na hindi niya kailangan.
  3. Nais niya na maging isang magaling na mang-aawit, subalit hindi siya madalas nag-eensayo.
  4. Siya ay nag-eehersisyo para pumayat, subalit hindi niya mapigilan na kumain ng marami.
  5. Hindi niya makalimutan ang pag-lisan ng kanyang sinta, subalit nais na niyang makalimutan ito.

Narito ang iilan pang halimbawa ng mga pangungusap na may pangatnig na subalit: https://brainly.ph/question/12229

Ang pangatnig ay mayroon ding iba't ibang uri:

Pamukod

  • Ito ang pangatnig na gamit sa pag-bukod o pag-tatangi ng mga salita o kaisipan sa pangungusap. Halimbawa: o, man, maging.

Panubali

  • Ang Panubali ay naghahayag ng pag-aalinlangan. Halimbawa: kung, kapag, sakali.

Paninsay

  • Ito ay isang uri ng pangatnig na nag-sasalungat ng ideya o kaisipan sa isang pangungusap. Halimbawa: ngunit, dapatwat, subalit, kahit, samantala.

Pananhi

  • Ang uri ng pangatnig na ito ay nagbibigay ng dahilan sa isang kilos. Halimbawa: dahil, sapagkat, sanhi ng.

Panapos

  • Ang Panapos ay nagsisilbing paghayag ng nalalapit na pagtatapos ng isang pangungusap. Halimbawa: sa wakas.

Panlinaw

  • Ito ay ang uri ng pangatnig na ginagamit upang magpaliwanag o magbigay linaw sa isang idea o kaisipan. Halimbawa: kaya, kung gayon.

Panimbang

  • Ang pangatnig na ito ay ginagamit upang magbigay ng karagdagang impormasyon. Halimbawa: pati, saka, kaya. anupa't.

Pamanggit

  • Ang Pamanggit ay isang uri ng pangatnig na nagbabanggit o naghahayag ng iba. Halimbawa: raw, daw, di umano.

Panulad

  • Ang uri ng pangatnig na ito ay nagtutulad sa ibang pangyayari o bagay. Halimbawa: kung ano...siya rin, kung sino...siyang.

Alamin ang iba pang kahulugan ng pangatnig sa link na ito https://brainly.ph/question/287855

Makikita sa link na ito ang iba pang halimbawa ng pangatnig https://brainly.ph/question/1503892