Answer:
Ang dignidad ay tumutukoy sa pagiging karapat - dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kanyang kapwa.
Ang dignidad ay mula sa katagang Latin na dignitas na nagmula sa dignus na ang ibig sabihin ay karapat - dapat. Lahat ng tao anuman ang anyo, antas ng kalinangan, kakayahan, at gulang ay may dignidad. Dahil sa dignidad, lahat ay may karapatan na umunlad sa paraang hindi makakasama o makakasakit sa kanyang kapwa. Nangingibabaw ang paggalang at pakikipagkapatiran sapagkat sa mata ng Diyos ang lahat ng tao ay pantay - pantay. Mapapangalagaan ang ang tunay na dignidad ng tao sa pamamagitan ng pagtingin sa bawat tao na kaugnay ng Diyos.
Mga Paraan ng Pagkilala at Pagpapahalaga sa Dignidad ng Tao:
- pahalagahan ang tao bilang tao
- ibigay ang paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao habang siya ay nabubuhay
Pagpapalawig:
Ang pagpapahalaga sa isang tao ay hindi isang bagay o behikulo upang isakatuparan ang isang bagay na gustong mangyari. Hindi rin ito ibinibigay sa tao dahil sa kapakinabangan na nakukuha mula rito.
Dapat na patuloy na isaalang - alang at hinahangad ang lahat ng makabubuti para sa kapwa. Kung ang lahat ng tao ay mauunawaan ito, hindi magiging mahirap ang pagpapanatili ng mataas na antas ng dignidad ng bawat tao sa anumang uri ng lipunan.