Answer:
Explanation:
Si Ninoy Aquino ay isang tanyag na mamamahayag at pulitiko sa Pilipinas. Nagsilbi siya sa lalawigan ng Tarlac bilang alkalde ng bayan ng Concepcion, bise gobernador, at gobernador ng lalawigan. Isinakdal si Aquino sa korteng militar para sa kasong pagpatay, iligal na pagmamay-ari ng mga armas, at subersiyon. Tiniis niya ang pitong taon sa piitan bago siya napayagang magpagamot sa Estados Unidos dahil sa karamdaman sa puso. Pagkatapos ng tatlong taong pagkakalayo sa bansa, bumalik siya sa Maynila, subalit binaril bago pa man siya makatapak sa tarmac. Nagsanhi ang kanyang asasinasyon ng magkakaugnay na mga pangyayaring nauwi sa People Power Revolution noong 1986.