Gawain I: Kahon ng Kaalaman Panuto: Lagyan ng tsek ang kahon kung ang mga pahayag ay ang pangunahing paksa at ideya sa mitolohiyang “Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante” at ekis naman kung hindi. 1. Sa kahit anomang paligsahan ang pinuno ang pinakahuling sasabak sa laban. 2. Nagpakita ng labis na pagmamahal ang magsasaka sa kanyang dalawang anak na sina Thjalfi at Rosvka. 3. Ginamitan ni Utgaro-Loki ng mahika ang kampo nina Thor upang sila ay matalo. 4. Hindi maiiwasan sa isang paligsahan na magkaroon ng pandaraya. 5. Kinakailangang pairalin ang "sportsmanship" sa mga paligsahang lalahukan. 6. Sa pagsali sa mga paligsahan, nararapat na lumaban ng patas. 7. Ugaliing sumunod sa mga patakaran at regulasyon ng paligsahang sasalihan. 8. Sa kahit na anomang paligsahan, mayroong nananalo at natatalo. 9. Ibigay ang buong kakayahan at huwag sumuko sa paligsahan. 10. Bago lumahok sa isang paligsahan, alamin ang mga pamantayan na kailangang isaalang-alang 11. Ang pagtutulungan ng mga miyembro ng koponan sa isang paligsahan ay mahalaga para maipanalo ang laban. 12. Ang panlilinlang sa kapwa ay hindi mabuting gawain upang matamo ang tagumpay.