Sa pamamagitan ng Venn diagram paghambingin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mitolohiyang Norse sa mitolohiyang Pilipino

Sagot :

Answer:

Mitolohiyang Norse vs Mitolohiyang Pilipino

Pagkakaiba ng Mitolohiyang Norse

  • Ito ay nagmula sa Europa
  • Ikinuwento ito ng mga Norse, o mga taong nagmula sa hilaga. Ang mga Norse sa ngayon ay nakatira sa mga bansa sa Scandinavia, kagaya ng Norway, Sweden, at Denmark.
  • Umiikot ang kwentong ito kala Odin, Thor, at Loki at sa kanilang mga pamilya.
  • Ragnarok ang katapusan ng mundo ayon sa mitolohiyang ito.

Pagkakaiba ng Mitolohiyang Pilipino

  • Ito ay nagmula sa Pilipinas
  • Ang mga kwento sa mitolohiyang ito ay naimpluwensiyahan ng iba't-ibang mga kultura sa Asya
  • Umiikot ang mitolohiya sa mga diyos ng pantheon ng Pilipinas, kagaya nila Bathala, Apolaki, Dian Masalanta, at iba pa.
  • Walang katapusan ng mundo ang binanggit sa mitolohiyang ito.

Pagkakapareho ng dalawang mitolohiya:

  • Puno ito ng mga adventure ng mga diyos at diyosa
  • Marami din ditong binanggit na mga kakaibang nilalang.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga mitolohiya, bisitahin lamang ang link na ito:

brainly.ph/question/131869

brainly.ph/question/136899

brainly.ph/question/460369

#BrainlyEveryday